Sunday, December 6, 2009

ARTISTA na po ako, he he he!

WHO NEVER ASPIRED OF BECOMING AN ACTOR?

Lahat yata ng tao ay gustong maging artista at one point in their lives.

Last December 6, 2009 at 1pm, I received a text message from Director Rechie del Carmen of DAHIL MAY ISANG IKAW, a teleserye being aired at ABS-CBN.

She asked if I would be interested to portray a short role as a doctor.

Without batting an eyelash, I hurriedly called her up to say YES!

I was actually set to attend two parties that night but I thought that Direk Rechie’s offer is a once in a lifetime opportunity.

At first instict, I checked my closet and grabbed the possible clothes I could wear for the shooting. I immediately called up my laundry girl to do the ironing of all the clothes.

But then, there are still two important errands that I have to do for that day. I rushed to do it all and ended up finishing it as early as 6pm.

At 7pm, Im laid to bed. Resting and relaxing but anxiously waiting for Direk Rechie’s call. By the way, kaeskwela ko si Direk Rechie noong high school.

At 8 pm, Direk Rechie called up asking me to report at 9:30 pm at the shooting’s location. It’s at the Provincial City Jail of Rizal, somewhere in Antipolo.

Dahil professional ako (lol), I came on time. Naka make-up na ako, na-blower na ang buhok at plantsado ang damit.

Tumingin sa akin si Direk mula ulo hanggang paa at sabay sabi na: “Okay na yan Jon!” referring to my appearance and clothes.

The production assistant handed me the script at 10 pm. Wow! Isang paragraph ang linya ko …may kahabaan para sa isang cuarenta y uno anyos na katulad ko, na may konting memory gap.

Pero arya pa rin ako. Fight! Sa loob loob ko, mas mahaba pa dyan ang kinakabisado ko nung nag-aaral ako …. more than two decades ago, ha ha ha! Tagal na pala nun ah?

Right there and then, I read my script carefully. In 30 minutes, na-memorize ko na ang isang paragraph. After another 15 minutes, kabisado ko na ang lahat. Abah, abah, abah….genius pa rin ako ah! LOL!

Pero dahil perfectionist ako, inulit ulit ko pa uli ang paglitanya ng script ko para makasiguro akong hindi ko mapapahiya ang mahal kong kaklase na si Direk Rechie. At mabuti na lang ay kasama ko si Jaimes na tinulungan akong irehearse ang linya ko with feelings and conviction. Ang bigat non ah! Salamat Jaimes, I really appreciate your effort and care.

Pero ganun pala sa shooting, para kang nag-aabang ng bus papuntang Batanes. Ang tagal! Sobrang nakakainip!

Humulas na ang make-up ko sa kahihintay kung kelan ako tatawagin. Dumapa na ang kaninang naka-tiss na buhok ko. Manipis pa naman.

Bandang alas dos na ng umaga nung isinalang ako sa make-up artist. At put@ng#n@ng (sorry for the word) make-up artist yan, sobrang puti ng mukha ko sa make-up nya. Marunong akong mag-make-up kaya masasabi ko na hindi sya magaling at marunong! Nagmistulang ESPASOL sa ANTIPOLO ang mukha ko.

Pinilit ko burahin ang make-up na nilagay nya pero may glue yata ang nilagay nyang foundation sa akin, hayup sya! At nang bigla na lang akong tawagin ng Production Assistant dahil malapit na raw mag-take, na-tense na ako. Bahala na sa kung pangit ang make-up ko, dadaanin ko na lang sa akting, naks!

Pagdating ko sa set, nagulantang ako nung makita ko sa si Chin Chin Gutierrez. Ang ini-expect ko kasi ay si Chinggoy Alonso at Menchie Cobbarubias lang ang ka-eksena ko. Ano ginagawa ni Chin chin dito, sa loob loob ko.

Yun pala, biglang nagdecide ang production staff na dapat ay mayroon muna kaming eksena ni Chin Chin bago pa sa isang eksena na kasama ko si Chinggoy at Menchie.

Biglang umentra sa set si Direk Rechie, nagbigay ng instruction sa amin ni Chin Chin. Walang script, basta dun na lang binigay ang linya namin. Ang taas naman ng tingin sa akin ni Direk Rechie.

At habang nagbibigay ng instruction si Direk, napansin ko na mukhang mongoloid si Chin Chin. Parang naka-droga ang gaga! Then I’ve realized na nag iinternalized na pala sya, nabaliw kasi sya sa istorya dahil namatay ang kaisa-isa nyang anak. Naalibadbaran ako sa kanya. Nakaka-ilang. Para akong kakagatin anytime. Ang husay nya!

Mahaba ang eksena. Ganito kasi yun…pagkatapos ng pag-uusap namin ni Chin Chin (Patricia Alferos) ay tatayo ako at lalakad papunta ka Don Fernando (Chinggoy) at Atty. Villareal (Menchie). Saka ko bibitawan ang isang paragraph kong linya. Hayyy!

Ang siste, nag-take two ako sa eksena namin ni Chin Chin at nag take three ako sa eksena namin nila Chinggoy at Menchie. Kakasuya!

Paano naman ay biglang namental block ako sa linya ko. Para kong sinayang ang mga kinabisado ko. Tanga! Ako! Ha ha ha!

Lumabas kagad ako pagkatanggal ng lapel (microphone) sa akin. Pinuntahan ko kagad si Direk Rechie at tinanong ko sa kanya kung ano ang reaksyon nya sa performance ko.

Okay naman ang performance mo kapatid!” sagot ni Direk Rechie.

Maya-maya ay nilapitan ako ni NARS GULMATICO, ang executive producer ng teleserye. At matuk nyo kung ano ang sinabi nya…

John, sana noon pa tayo nagkakilala. Kasi parati kaming nahihirapan humanap ng talent na ka-edad mo para sa mga bit roles ng duktor o abogado. Madalas kasi naming nakukuha ay mga bisaya at walang confidence. Kunin kita sa susunod ha?”

Asows! That’s unbelievable!

Ang alam ko ay hindi ako satisfied sa performance ko. I could have done it better. Sobrang nanliliit ako sa galing ng mga ka-eksena ko. Nakaka-inis isipin na hindi ako TAKE ONE. Im too neophyte! Marami pa akong kakaining bigas. There are lots of rooms for improvement.

Nung nagpaalam na ako, humabol ng salita si Direk Rechie sa akin…

Baka may 2nd shooting ka, kasi may eksena na magtetestify ka sa court na baliw talaga si Patricia Alferos. Dapat available ka kapag tinawag ka namin kapatid!”

Sagot ko namang pabiro kay Direk Rechie:”Naku, ayoko nang mag artista! Ang hirap pala!”

Sa totoo lang, ako ang mas nabaliw kaysa kay Patricia Alferos (Chin Chin). Pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse ay naramdaman ko kagad na masakit ang ulo ko. Parang minamartilyo. At gutom na gutom ako. Hindi kasi ako kumain sa shooting dahil baka kako masuka ako sa sobrang tensyon.

This experience is one that I would always cherish all thru my life. My bravery as a first-timer in acting in front of a camera for a tv program being aired on primetime by the biggest TV network in the Philippines, is an accomplishment. As to whether I performed well or not, the fact still remain that I grabbed the opportunity and bravely explored a world too unfamiliar to me. Thanks to Direk Rechie del Carmen for paving the way.

At napatunayan ko na hindi ako magugutom kahit anuman ang mangyari, dahil walang tatalo sa kakapalan ng apog ko! Bwahahaha!

By the way, may talent fee po ako for doing the job. Kung magkano, secret yan dahil halos pareho kami ng rate ni Chin Chin. Maniwala kayo, he he he!

And I’m sure that most of you will ask if I will pursue a career in showbizness, it will all up to the clamor of my fans. Asows! Na-internalize ko na kagad na artista na talaga ako. Bwahahahaha!

Till my next movie,

JOHN