Thursday, October 1, 2009

Misteryo ng Hapis at Saya ni Alfeo

Every year, I am discovering two to three new friends.

Others find it absurd that for a person as sociable as I am, I could only gain so few friends in a year. My business and my affiliations with socio-civic organizations expose me to interesting and new acquaintances but it never actually pave the way for me to collect more friends. It's probably because I have this set of criterion in my mind before I could even consider a person to be a friend. And in some cases, it also takes for a situation to happen before I could confirm that the person passes the criterion.

But don't get me wrong. I am not the choosy type. I don't look at the person physically, or what he has achieved, or what material possession he has. If I will summarize my criterion in one word, it's SINCERITY.

There were lots of instances when I felt awkward answering a question as simple as "KAIBIGAN MO BA SYA?" It's because the word KAIBIGAN is a meaningful word for me. It isn't enough that I had ten or more bondings with a person for me to say that we are friends. If I hugged or kissed somebody I know in a mall, it doesn't necessarily follow that we are friends. I have been actually thinking that a word must be coined to describe someone in between a FRIEND and an ACQUAINTANCE. In that way, I wouldn't sound so unfriendly.

Just recently, I have decided to "disqualify" two persons from the list of my friends. I actually felt bad doing it. On the other hand, it's the most logical decision that I have to do. I don't want to associate myself to people who lack sincerity, and from people who ignore the value of selflessnes. "Tell me who your friends are and I'll tell you who you are, " so goes the old cliche. If my friend is a reflection of myself, then I have to choose the right ones so that they may give a good mirror of myself.

ALFEO SALCEDO was my batchmate in high school. Thru our alumni association, we came across each other just two years ago because he has been based in Sydney for a long time. Back in high school, we just know each other by face because we belong to different sections.

It was an instant friendship. We speak the same language, we laugh at the same joke, we enjoy the same conversation topics. At first I thought that Alfeo might be another "flavor of the month" friend. I'd been keeping a close eye on him, mainly because I can feel that I have a friend in him. Until the time came when I felt his sincerity and his commitment to understand me. That was the time when I was in my deepest moment.

A month after, a question came from him while we were chatting at the Facebook. It was one question I took delight in reading and answering.

"Can we be best friends?" Alfeo wrote. It was then when I experienced what a woman feels when a guy proposes for a marriage.

And I typed just two words to answer him back: "AREN'T WE?"

I am attaching hereinbelow an email I've sent at our alumni class' yahoo group last December 2007. It was actually a response to Alfeo's email.

This must be the best email I've ever written at our yahoo group. I was in tears everytime I ended a paragraph while writing this email.

PLEASE FIND TIME TO READ :::::>


Hi Alfeo! Hayy, Queen Mother! Sabi ko na nga ba na dinadalaw ka rin ng lungkot.

Parang kang alon na di mo alam kung saang dalampasigan hahampas. Basta ang alam mo, kailangan may hampasan ka. Basta ang mahalaga, may kahihinatnan ang pagpupursigi mo. At habang nasa gitna ka ng dagat ay
maya't maya kang itutulak ng hangin. Nagpapatulak ka naman pero kailangan mo kasi ang lakas ng hangin para ipunin at pagsama-samahin ang lahat ng tubig. At kapag sapat na ang tubig at ang lakas at taas ng iyong alon, saka mo ihahalik sa dalampasigan ang iyong kabuuan. At doon mo iparirinig ang saya ng tunog ng pag-uumpugan ng tubig sa dalampasigan. Pero pagkatapos noon, kusa kang babalik sa kapatagan ng dagat. Hahayaan mong languyan ka ng mga isda. Kukupkupin mo ang mga halamang-dagat. Tahimik kang babalik sa kapanatagan. Pero maya-maya
lang ay itutulak ka na naman ng hangin .... at isa ka na namang alon.

Minsan tinitignan kita lalo na sa panahon na nakikinig ka lang at kusa mong ni-nanamnam ang sinasabi ng kausap mo. Para sa akin kasi ... yun ang pagkakataon na makikita ko ang kabilang mukha ni Alfeo. Yung mukha na nagkukubli sa likod ng masayang pananalita, ngiti sa mga labi, dulas ng dila, mapanuring mata at alistong pag-iisip. Hindi ko gustong isipin, dangkasi, na kabuuan na ni Alfeo ang nakikita namin sa mga pagkakataon na bumabangka ka at binubuhos mo ang talento mo sa pagpapatawa.

Hindi ba't madalas kang dapuan ng lungkot? Yung lungkot na kaya kang lamunin ng buong-buo. Yung lungkot na kaya kang idayukdok sa kapariwaraan. At kapag tumitingin ka sa langit ay para kang nawawala iyong sarili lalo na't ang mala-abong ulap ang tatabon sa bughaw na kulay ng langit. Iniisip mo na saan ba magtutungo ang lahat ng ito.
Bakit ba kailangang dumilim ang langit?

Parating kulang ang buhay ng isang bakla. Wala kang magiging anak at walang asawang kakandili sa 'yo. Hindi mo alam kung para saan ang lahat ng iyong paghihirap. At lalong hindi mo alam kung sino ang gagabay sa 'yo sa panahon ng iyong katandaan.

Gusto mo minsan sisihin ang tadhana...sisihin ang pagpapalaki sa 'yo ...ang iyong kapaligiran .... basta gusto mo manisi. Hahanapin mo ang karayom na magsusulsi sa lamat ng iyong kasarian. Pero alam mo din naman na wala na rin itong magagawa pa. Tutusukin lang nya ang puso mo. Ang kabaklaan kasi ay parang isang sumpa na naka-ukit hanggang sa ikabuturan ng iyong gulugod.

Tayong mga bakla (o tomboy), iisa lang ang buwan na tinititigan natin sa tuwing sasapit ang gabi. Isang buwan na makulimlim ...na minsan ay nagkukubli sa ilalim ng ulap ... na minsan naman ay nagpapalit ng hugis.... at kapagdaka'y lulubog sa kung saan. Hanggang sa dumating na naman ang gabi at kusa nating tatanawin ang kanyang pag-imbulog at para lang mawala rin uli sa ating paningin pagdating ng bukang-liwayway.

Sabi na sabik tayo sa pagmamahal. Gagawin natin ang lahat makayanan lang tayong mahalin ng ibang tao. Sa gitna ng kakaibang katauhan natin ay pipilitin nating igiit at hingin ang isang normal at pang-habangbuhay na relasyon. Gabi-gabi tayong aasa sa pagdating ng isang prinsipe na hahalik sa pisngi ng isang dalaga na habang panahon
nang naghihintay sa ina-asam asam na pag-ibig. At sa halik na iyon ay hindi mo alam kung halik ng pag-ibig o halik ni Hudas na uubos sa alindog at kayamanan ng dalagang walang hinangad kundi ang magmahal.

At minsan ay mamabutihin mo pang isipin na sana ay iwinaksi na lang sana ng dalaga ang pahihintay kaysa sa makaniig ng isang huwad na pag-ibig. Napakasakit.

At habang nagyayari ang lahat ng kapanibughuan sa pag-ibig ay tatanaw ka uli sa kalawakan ng langit pati sa dalampasigan. Maghihintay ka naman ng bulalakaw na magpapabago sa pag-inog ng iyong mundo.

Maghihintay, maghihintay at maghihintay ka. At kadalasan, kung kaylan
ka na-iglap ay saka bumulusok ang mailap na bulalakaw.

At dahil pagod ka na rin sa paghihintay, ipupursigi mong maabot ang iba mo pang mga pangarap at doon mo babawiin ang kawalan mo sa larangan ng pag-ibig. Kakapit ka sa unos ng ulan at tatayo ka nang may lakas at paninindigan. Walang puwang ang pag-aalintana at pag-aalangan sa 'yo, bagkus, itutulak mo ang iyong pangarap at aabutin mo ang tagumpay.

Minsan sa paglakad mo ay titigil ka sandali, iisipin mo kung para saan ba ang lahat ng ito. Pero ipagpapatuloy mo pa rin ang paghakbang, tatakbo ka pa nga ng mas matulin. Ibubuhos mo ang lakas at talino mo at iaalay mo ito sa ibang tao ... sa iyong pamilya at sa mga kaibigan. Mabubuhay ka para sa kanila. Hindi mo na rin iisipin ang sarili mo.

Mabuti na lang Alfeo at may pinanggalingan ka. Dala mo ang lungkot ng iyong mga karanasan. Ang kurot, pait, poot, dalamhati at hapis na dinanas mo mula pagkabata ay s'ya na ring sandata mo sa hamon ng iyong kasalukuyan buhay. Kaya mong tiisin ang lungkot ng pamumuhay sa ibang bayan dahil nilinang at minanhid ka ng mas mahapding nakaraan. At alam mo sa sarili mo na kung hindi ka magtitiis ay hindi ka makapagdudulot ng saya sa iba. May kapalit ang lahat.

Nakikita ko ang pag-ikot ng mata mo sa sa apat na sulok ng iyong silid. Pilit mo itong hinahanapan ng saya pero kahit pigain mo ay isang nakabibinging katahimikan ang ginaganti nya sa yo. Lalo kang hihikbi, tatangis at lulutang sa kawalan.

Bukas, balik-opisina ka na naman. Kakayod at makikipagtagisan sa mga ka-trabaho at kliyente mo.

At sa mga susunod na araw, ganun na naman. Trabaho, trabaho, trabaho.

At bukas-makalawa, gigising ka muli para bumalik sa Pilipinas para namnamin ang saya at galak ng ating pagbubuklod.

Tandaan mo ito Alfeo, isa kang biyaya para sa amin.

Alagaan mo ang sarili mo para sa amin.

LP Jon

------------------------------------------------------------------------------------------------
Here is the email of alfeo to which I had responded ....



Hello Batchmates!

Umuulan dito sa Gold Coast (Queensland, Australia) habang sinusulat ko ito. Feeling ko, nakikidalamhati sa akin ang langit...

Six o'clock ang flight ko pa-Singapore kahapon. Tapos may 2 hours anda half na stop-over. Eksaktong 12:05 naman lumipad ang eroplano pa-Brisbane. Eleven hours na traveling time plus almost 3 hours in-between na paghihintay, nag-flashback lahat sa akin yung sobrang saya na naranasan ko last Friday dun sa party natin. Naghalo-halo ang pakiramdam ko: saya, lungkot, panghihinayang (dahil di ko na-chika lahat) at kung ano-ano pa.. Kapos ang 7 oras sa party natin!!

Hindi pa 'yan, nung pagdating ko ng bahay kanina ng mga around 11:30AM (9:30 AM sa Manila), para akong nagulat. Ang lungkot-lungkot ng unit ko!! All of a sudden, parang ipinamukha sa akin ng buhay na talaga palang nag-iisa ako dito sa Australia!!@#% Although meron din naman akong mangilan-ngilang kaibigan dito, iba sa Pilipinas!! Hindi ko alam kung bakit pero dun na tumulo ang mga luha ko..

Marami ang laman ng "inbox" ko nung buksan ko ang yahoo at hotmail accounts ko.. Halos lahat ay nagpapasalamat sa akin tungkol dun sa party natin nung Friday. Walang anuman po! Actually, ako ang dapat magpasalamat dahil ipinadama ninyo sa akin ang tunay na saya at ipinakita ninyo sa akin ang kahulugan ng salitang "iba ang may pinagsamahan!"

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!! Given the chance, I will have no second thought of doing it all over again!!

Punong-puno ang dibdib ko ng emosyon pero wala pa akong sapat na lakas para makaapuhap ng mga salitang magdi-describe ng nararamdaman ko sa ngayon. Ahh... Kung pwede nga lamang bayaran si LP Jon na isulat niya ang mga ito para sa akin..

Hanggang dito na lang muna at maraming-maraming salamat pong muli!

Art, Albert at Gary: Sana ay huwag ninyong paka-isipin yung mga yakap ko sa inyo. Yakap-kapatid lamang 'yun! Hehehe.

Sana po ay wala po akong na-offend sa aking mga biro specially kay Pastor.

QMA


1 comment: