Tuesday, October 20, 2009

SPA SERVICES AT JOHN MATTHEW

Noong nagsisimula pa lamang ang JOHN MATTHEW, isa sa pinakamalaking palaisipan sa akin ay kung paano ko ima-market ang spa services namin. Ang signage kasi namin ay JOHN MATTHEW SALON lang ang nakalagay at ang ground floor ng aking shop ay salon. Paano nila kaya malalaman na may massage and other spa services sa 2nd at 3rd floors namin?

Sa Thailand, kapag pumasok ka sa isang salon, malamang kaysa hindi na may massage services sila na available. In fact, mahuhusay ang mga Thai na masahista. Singko-sampera sa kanila ang magagaling na masahista. Pero dito sa Pilipinas, kapag parlor ay parlor lang. Kung gusto mong magpamasahe ay pumunta ka sa isang Spa o kaya sa mga bulag na nasa pasilyo ng isang mall.

Nagising na lang ako isang araw na hindi ko na pinu-prublema ang darating na customers para sa spa namin. Dagsa at sunod-sunod ang daloy ng customers namin. Ang spa namin sa upper floors ay lumalaban sa dami ng customers ng aming salon sa ground floor. Lalo akong natuwa nang minsan na nasa reception area namin si RICKY REYES (yes, si Mother Ricky Reyes!) at nagbabayad para magpamasahe. Tinanong ko sya kaagad kung paano nya nalaman na may massage services ang aming salon. Sinabi nya sa akin na ni-refer daw sya ng isa sa mga consultants nya na regular customer namin. Pagkatapos syang masahihen, nilapitan nya ako at niyaya na pumunta sa opisina nya. Gusto raw kasi nya kunin ang trainor ko dahil may bubuksan syang spa sa Calatagan, Batangas. Pumunta naman ako at binigay ko sa kanya ang trainor ko. In return, Mother Ricky gave me lots of advices in salon services and products. Ang bait ni Mother.

Minsan, nagpafill-up ako ng Customer Information Sheet sa mga customers ng spa namin. Laking gulat ko dahil 70% ng customers ko ay hindi taga Quezon City. May mga taga Las Pinas, Muntinlupa, Makati, Mandaluyong, Laguna at Batangas. Mayroon ding mga taga Pampanga, Bulacan, Valenzuela, Caloocan, Manila, Marikina, Pasig, Antipolo, Cainta at Anggono. Whew! Paano nangyari yun?

Then, I started to ask them more detailed questions and see below what the majority answers are:

1. Mas mura ang massage sa John Matthew

2. Mas magaling ang masahe sa John Matthew kaysa sa ibang spa na mas mahal maningil

3. Mura ang presyo, malinis ang lugar, magaling ang services

4. Friendly at courteous ang mga staff

5. Nakapag-pagupit na ako, nakapagpa-masahe pa ako

I must say that my efforts to promote my business to any person I meet anywhere paid off. Moreover, our persistence to improve and innovate our services is another factor that help us pave the way to solicit patronage of our customers. And more importantly, the referrals of my regular customers must be the main reason that we now own a great volume of patrons.

And with this, my appreciation to the relentless support of my customers to whom we owe much of what we achieve at the moment. Thank you very much!!!

JOHN

No comments:

Post a Comment